1 patay, 50 bahay natupok sa Caloocan City

fire
Inquirer fire photo

Umabot sa limampung mga bahay ang naabo at isang lalaki naman ang namatay sa isang malaking sunog sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-dos ng umaga kanina nang sumiklab ang malaking sunog sa Sitio Manggahan Barangay 171 Bagumbong Dulo sa nasabing lungsod.

Napag-alaman na naglaro ng kandila ang ilang mga bata na kanilang nakuha sa lamay sa bahay ng Baltazar Family sa nasabi ring lugar.

Dahil gawa sa light materials ang mga bahay kaya madali itong nagliyab ayon sa BFP.

Pasado alas-tres na ng umaga nang maideklarang fire under control ang sunog at habang nagsasagawa ng mopping up operation ang mga bumbero ay natagpuan nila ang sunog na bangkay ng isang lalaki.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima.

Read more...