Selebrasyon ng ika-93 kaarawan ni Imelda Marcos, idinaos sa Malakanyang

Sa Rizal Hall sa Palasyo ng Malakanyang nagdiwang ng ika-93 na kaarawan si dating First Lady Imelda Marcos.

Base ito sa mga Instagram post ni Attorney Michael Manotoc na anak ni Senador Imee Marcos at Ilocos Norte Second District Representative Angelo Marcos Barba.

Sa naturang litrato, makikita na dumalo sa birthday party si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa naunang abiso ng Palasyo, walang naka-schedule na aktibidad ang Pangulo noong weekend.

Tikom ang bibig ng Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa birthday party ni Marcos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, maglalabas lamang ang Palasyo ng mga pahayag kung nakasalalay ang public interest.

“We will only be releasing statements on issues where public interest/welfare is involved,” pahayag ni Angeles.

Karaniwang ginagawang venue ang Rizal Hall para sa mga state visit at official function ng Palasyo.

Read more...