BARMM nangunguna sa listahan ng may pinakamababang bilang ng nagpapabakuna kontra COVID-19

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Nanatili ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa may pinakamababang bilang ng mga matatanda na nagpapabakuna kontra COVID-19.

Ayon sa pahayag ng Department of Health, nasa 46 percent lamang sa target population ang fully vaccinated sa BARMM.

Marami sa mga taga-BARMM ang nagdadalawang isip na magpa-bakuna.

Samantala, nangunguna naman ang Cagayan Valley sa Region 2 at Cordillera Administrative Region sa may pinakamaraming matatanda na nagpabakuna.

Sa ngayon, nasa 70.8 milyong indibidwal na sa bansa ang nababakunahan kontra COVID-19.

 

Read more...