Maroon 5 balik Pinas para mag-concert

Babalik sa bansa ang sikat na American pop band na Maroon 5.

Ito ay para sa isang concert sa Mall of Asia Arena sa December 8, 2022.

Base sa anunsyo ng Maroon 5 sa kanilang Instagram page, bukod sa Pilipinas, magsasagawa rin ng concert sa iba pang bahagi ng Asya gaya ng Singapore, South Korea, Japan at Thailand.

Nabatid nab ago ang Asian leg ng world tour, magsasagawa muna ng concert ang Maroon 5 sa Quebec, Canada, at sa Orlando, Florida.

Nagsagawa na rin ng concert ang grupo sa Latin America at Egypt.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng Maroon 5ang “Girls Like You,” “Payphone,” “She Will Be Loved,” and “Moves like Jagger.”

Huling nag-concert ang Maroon 5 sa Pilipinas noong 2019.

Read more...