Ilang flights, kanselado dahil sa Domeng

 

Kanselado ang ilang flights dahil sa sama ng panahon dulot ng Tropical Storm Domeng.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado ang Cebu Pacific flights na 5J 116/117 Manila-Hongkong-Manila at 5J 272/273 na Manila-Hongkong-Manila.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company.

Ayon sa Pagasa, bukas pa, July 3 inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Domeng.

 

 

Read more...