Presyo ng diesel, bababa

Magandang balita para sa mga motorista.

Ito ay dahil sa bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng Unioil Petroleum Philippines, babawasan ng P2.80 hanggang P2.90 ang presyo ng diesel kada litro.

Bababa naman ng P0.10 ang presuo ng gasolina kada litro.

Matatandaang limang linggo nang nagpapatupad ng oil price increase ang mga kompanya ng langis dahil sa nagpapatuloy nagulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

Read more...