Pagsasabatas sa Expanded Anti-Trafficking Law, pinuri ni Senador Bong Go

 

Ikinatuwa ni Senador Bong Go ang pagkakalagda ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act Number 11862 na nagpapalakas pa sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Si Go ang co-author at co-sponsor ng naturang batas.

Ikinababahala kasi ni Go ang patuloy na trafficking lalo na sa mga overseas Filipino workers sa Syria.

Ayon kay Go, nakararanas ng pang-aabuso ang mga OFW sa kanilang mga employers.

“Sisiguraduhin natin na mapapanagot ang mga responsable sa human trafficking, pati ‘yung mga opisyal na hinayaang lumusot ang ganitong gawain. Ayoko na may inaabusong Pilipino kahit asan man sila sa mundo,” pahayag ni Go.

“Galit ako sa mga nagsasamantala sa kapwa. Galit ako sa mga manloloko,” dagdag ng Senador.

Dahil sa batas, mapadadali na ang trabaho ng mga law enforcers na habulin ang mga nang-aabuso sa mga manggagawa.

 

Read more...