Tagumpay ni Duterte isang “milestone” sa demokrasya ng Pilipinas

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Bagaman matagal naman nang alam ng nakararami kung sino na ang panalo sa presidential race, ipinagbubunyi pa rin ng kampo ni incoming President Rodrigo Duterte ang paglabas ng opisyal na resulta ng canvassing.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Peter Laviña, hindi man na ito kagulat-gulat, nananatili pa rin ang kahalagahan at pagiging makasaysayan nito.

Ang tagumpay aniya ni Duterte ay tagumpay rin ng mga tao at para sa mga tao.

Marapat lamang aniyang ipagdiwang ang isang mahalagang “milestone” sa demokrasya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtu-tulungan para makamit ang tunay na pagbabago.

Aminado naman ang abogado ni Duterte na napakabilis ng naganap na canvassing ng Joint Committee ng Kongreso.

Ito na aniya ang pinakamabilis na canvassing sa lahat ng naganap nahalalan, dahil 17 oras lamang o tatlong araw ng canvassing ang iginugol para ito ay matapos.

Marami aniyang nagagalak dahil sumasalamin ito na nagawa nang maganda at maayos ng Kongreso ang kanilang tungkulin.

Susubukan naman aniya nilang kumbinsehin muli si Duterte na dumalo sa proklamasyon sa Lunes ng hapon, kahit una na nitong sinabi na sa inauguration lamang siya luluwas ng Maynila.

Read more...