Reporter, patay sa pamamaril sa Quiapo

shooting genericPatay ang isang kagawad ng media matapos siyang barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek, Biyernes ng gabi.

Naganap ang insidente habang kausap ni Alex Bacoba ang kaibigan ng kaniyang asawa sa Quiapo, Maynila, pasado alas-7 ng gabi ng Biyernes.

Si Bacoba ay isang reporter ng dyaryo na Brigada.

Habang nakikipagusap, mayroong lumapit kay Bacoba na isang lalaki na bigla na lamang siyang binaril sa may batok.

Nakatakas rin agad ang suspek sakay ng motorsiklo.

Dinala pa sa ospital si Bacoba ngunit agad rin siyang nasawi.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang suspek pati na ang motibo sa pagpatay kay Bacoba.

Read more...