Pondo para sa pagpapagawa ng mga paaralan sa Mindanao, nilabas na ng DBM

GERMELINA LACORTE/INQUIRER
GERMELINA LACORTE/INQUIRER

May pera nang pampagawa ng mga paaralan para sa mga katutubong kabataan ng mindanao.

Ito ay makaraang i-release ng Department of Budget and Management ang P500 milyong pondo na gagamitin sa pagpapagawa ng mga bagong pampublikong paaralan sa mula region 9 hanggang 13.

Ang nasabing proyekto ay magpapatayo ng 605 na silid aralan sa 251 ibat ibang lugar sa Mindanao.

Kabilang dito ang Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Norte.

Ang pondo para dito ay mula sa 2015 Contingent Fund na iparubahan ni Pangulong Aquino nitong Mayo base sa natanggap nitong proposal mula sa Department of Education noong nakaraang buwan ng Disyembre.

Read more...