DPWH, nag-abiso ng road reblocking sa ilang kalsada sa QC

EDSA reblockingNag-abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkakaroon ng road reblocking at repair sa ilang bahagi ng Quezon City.

Nagsimula ang reblocking alas-10 ng gabi ng Biyernes, May 27 at tatagal ito hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, May 30, 2016.

Aayusin ng DPWH ang ikalawang lane mula sa center island sa southbound ng Commonwealth Avenue mula sa Commonwealth Market hanggang West Riverside overpass.

Gayundin ang ikalawang lane mula sa center island sa northbound lane sa Commonwealth Avenue sa mula sa Ever Gotesco mall hanggang Batasan Road.

Sa Mindanao Avenue northbound naman ay sa ikatlong lane nito mula sa center island mula sa Catleya Street hanggang Road 8.

Apektado naman ng reblocking and repair ang ikalawang lane mula sa island mula sa Visayas Avenue hanggang Tierra Pura Subdivision sa eastbound ng Congressional Avenue Extension.

Read more...