“Patuloy na paglingkuran ang mamamayan”-Espina

espina
Kuha ni Jan Escosio

Nagpaalam na kanina sa kanyang mga kapwa opisyal at tauhan sa Philippine National Police si Officer-in- Charge Deputy Director General Leonardo Espina.

Sa kanyang farewell speech, hinikayat ni Espina ang hanay ng pambansang pulisya na ipagpatuloy ang paglilingkod sa bansa at sa mamamayan.

“I urge all of you to just continue serving our people, because we owe it to them,” pahayag ni Espina.

Nagpaalam si Espina sa flag-raising ceremony kanina sa Camp Crame sa Quezon City.

Nakatakdang mag-retiro sa serbisyo si Espina ngayong Huwebes, ika-16 ng Hulyo.

Kabilang sa mga sumaksi at nakinig sa kanyang farewell speech kanina ay ang tatlo sa pinagpipiliang magiging susunod na hepe ng Pambansang Pulis.

Ito’y sina Police Deputy Director Danilo Constantino, Police Director Ricardo Marquez at Police Director Benjamin Magalong.

Ilang araw bago tuluyang mag-retiro si Espina ay wala pa ring malinaw na pahayag sa Palasyo ng Malakanyang kung sino ang uupong Chief PNP.

Maging si Espina ay nagsabing wala siyang alam kung sino sa tatlo ang pipiliin ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang pagpapasya sa bagay na ito ani Espina ay tanging nasa poder ng Punong Ehekutubo.

“The President of the Philippines, by operation of law, has the sole prerogative to choose among all generals of the PNP.Crucial ang pagpili diyan eh,”

paliwanag ni Espina. Si Espina ay pitong buwang nanungkulan bilang OIC ng PNP.

Naging tampok sa panahong ito ang naganap na tinaguriang Mamasapano Massacre na kung saan 44 na opisyal at tauhan ng Special Action Forces ng Philippine National Police ang namatay sa pakikipagbakbakan sa mga tropa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF./Gina Salcedo

Read more...