Halos dalawang libo katao ang apektado ng naturang pagkalason kaya nagdeklara ang DOH ng food poison outbreak sa Surigao at iba pang lalawigan sa Caraga Region.
Ayon kay DOH spokesperson Dr. Lyndon Lee Sur, noong Sabado dinala sa Davao City ang sample ng candy para isailalim sa pagsusuri para matukoy kung posibleng may ito’y microbial contamination gaya ng salmonella at e-coli.
Sa halos dalawang libong nakaranas ng food poisoning, anim na pu’t anim na lamang ang nasa pagamutan hanggang sa ngayon. Karamihan sa mga biktima ay nasa gulang na sampu hanggang labing-apat na taong gulang. Anim na pung porsiyento sa mga biktima ay mga babae.
Nilinaw naman ng Food and Drug Administration o FDA na ang expiration ay isa lamang sa posibleng dahilan ng food poisoning.
Nagpaalala din ang DOH sa publiko na huwag basta-basta bumili ng mga produkto lalo ng mga produktong walang label upang makatiyak sa kaligtasan sa pagkain nito./Len Montano, Ruel Perez