Pagbisita ni Obama sa Hiroshima, naging makasaysayan

(AP Photo Carolyn Kaster)
(AP Photo Carolyn Kaster)

Naging makasaysayan ang pagbisita ni US President Barack Obama sa Hiroshima, araw ng Biyernes, dahil siya ang kauna-unahang presidente ng bansa na bumisita sa nasabing lugar.

Sa kaniyang talumpati sa Peace Memorial Park sa Hiroshima, ginunita ni Obama ang naging pagbabago sa mundo 71 taon na ang nakalilipas nang maganap ang kauna-unahang nuclear bombing.

Ayon kay Obama, naroon sila para alalahanin at pag-luksaan ang mga nasawi sa Hiroshima bombing, at isipin ang teribleng pwersa na ginamit noon sa digmaan.

Nag-sulat si Obama sa guest book ng Hiroshima kung saan sinabi niyang umaasa siya na magkaroon ng tapang ang buong mundo na sama-samang itaguyod ang kapayapaan at ang mundong walang nuclear weapons.

Kasama ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, nag-alay ng mga bulaklak si Obama sa isang cenotaph sa museo.

Nanawagan rin si Obama na itigil na ang mga walang saysay na digmaan.

Read more...