28-M pasahero, nagbenepisyo sa MRT-3 libreng sakay

Simula Marso 28 hanggang Hunyo 30, 2022, umabot sa 28,624,982 ang total ridership ng libreng sakay program sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Dalawang beses pinalawig ng pamunuan ang naturang programa upang makatulong sa mga commuter sa gitna ng pagtaas ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Maliban dito, layon din ng programa na mapakita sa mga pasahero ang mas napagbuting serbisyo sa MRT-3 kasunod ng pagtatapos ng malawakang rehabilitasyon.

Sa mahigit 28 milyon, 8,472,637 pasahero ang naserbisyuhan simula Mqrso 28 hanggang Abril 30, 9,597,794 pasahero simula Mayo 1 hanggang 31, at 10,554,551 pasahero simula Hunyo 1 hanggang 30.

Napaulat ang single-day highest ridership noong Hunyo 10 kung saan 381,814 pasahero ang naserbisyuhan.

Para mas marami pang pasahero ang makasakay, ikinasa ang deployment ng CKD trains sa four-car configuration sa kasagsagan ng programa. Kayang ma-accommodate ng four-car train ang aabot sa 1,576 pasahero.

Wala ring naranasang unloading incident sa buong kasagsagan ng program, sa kabila ng pagdami ng mga pasahero sa rail line.

Matatandaang nakumpleto ang malawakang rehabilitasyon sa nasabing tren noong Disyembre 2021 sa tulong ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP.

“We assure the public that the MRT-3 is ready to serve more passengers on a daily basis. This is precisely what we have been testing these past months of our implementation of the LIBRENG SAKAY in MRT-3,” pahayag nj OIC-General Manager and Director for Operations Michael Capati.

Read more...