Anim na pulis, tinamaan ng COVID-19

Nakapagtala ng anim na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (Hulyo 1), nasa 31 ang aktibong kaso ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, nasa 48,906 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Isang pulis naman ang gumaling sa nakakahawang sakit, kung kayat nasa 48,746 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 129 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...