Marcos, Duterte nagsimba at nagpasalamat

 

(Courtesy: CBCP News)

Dumalo sa isang banal na misa sa National Shrine of Saint Michael the Archangel sa Malacanang compound sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Batay ito sa Facebook post ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Cardinal Orlando Quevedo ang nanguna sa misa na dinaluhan nina Marcos at Duterte.

Pasasalamat ito ni Marcos matapos manumpa kahapon bilang ika-17 pangulo ng bansa.

Makikitang nakasuot si Marcos ng short sleeved na barong habang si Duterte naman ay nakasuot ng dirty white na Chinese collar blouse at slacks na brown.

Agad naman na dinumog ng mga residente malapit sa Malakanyang sina Marcos at Duterte.

 

Read more...