Tiwala si Senator Sonny Angara na sa binuong economic team ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., magpapatuloy ang pagpapalakas ng nakalipas na administrasyon sa ekonomiya ng bansa.
“The President has chosen a strong economic team that will build on the gains of the Duterte administration and steer the economy towards recovery,” ani Angara.
Naniniwala ang senador na mapapalakas ni Pangulong Marcos Jr., ang bansa base sa higit 31 milyong bumoto sa kanya kayat tiyak na mayorya ng mga Filipino ang susuporta sa kanyang mga polisiya at programa.
Magandang hakbang din aniya na ang Punong Ehekutibo muna ang mamumuno sa Department of Agriculture (DA) dahil na tiyak na mapapagtuunan ng sapat na pansin ang mga isyu sa sektor para sa seguridad sa pagkain sa bansa.
“We look forward to working with President Marcos and his administration, as well as with his equally competent Vice President Sara Duterte. Together with the entire nation, we pray for the success of the Marcos administration,” sabi pa ni Angara.