COVID 19 positivity rate sa MM, 9 probinsiya patuloy ang pagtaas

 

Tumataas pa rin ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila at siyam na lalawigan.

Ito ang inihayag ng OCTA Research base sa nakalap nilang datos na nakalap noong Hunyo 25 hanggang Hunyo 29.

Sinabi ni OCTA Research fellow, Dr. Guido David, tumaas sa 7.5 porsiyento ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 6.0 porsiyento.

Bukod sa Kalakhang Maynila, tumaas din ang positivity rate sa Laguna, Batangas, Pampanga, Cebu, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, at Iloilo.

Sa Cavite, naitala ang pinakamataas na positivity rate sa 13.2 porsiyento mula sa 5.9 porsiyento.

Sa lalawigan ng Rizal, bumaba sa 9.7 porsiyento mula sa 11.9 porsiyento ang positivity rate ng nakakamatay na sakit.

Read more...