Pangulong Marcos, kumpiyansang kakayaning maisulong ni VP Duterte ang reporma sa edukasyon

Screengrab from PCOO’s FB live stream

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakayanin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na maisusulong ang reporma sa edukasyon.

Ayon kay Marcos, ito ay para maihanda ang mga kabataan sa paghahanap ng trabaho.

Ayon kay Marcos, tiyak na maaabot ni Duterte ang misyon na mabago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Partikular na pinatututukan ni Marcos ang mga materyales na ginagamit sa pagtuturo sa mga estudyante.

Agad namang nilinaw ni Marcos na hindi ang kasaysayan ang kanyang tinutukoy.

Bagkus ay ang usapin sa siyensiya, pagpapaigting sa theoretical aptitude at vocational skills gaya halimbawa ng German.

Pero dapat din aniyang bigyan ng pantay na pagtrato ang national language na kapantay sa kwalidad ng global language na dati nang mayroon ang Pilipinas pero nawala.

Sinabi pa ni Marcos na ang mga guro mula sa elementarya ay mga bayani na lumaban sa kamangmangan.

Read more...