Ganap nang bagyo ang nabuong Low Pressure Area (LPA) sa teritoryo ng bansa.
Ayon sa PAGASA, lumakas ang naturang sama ng panahon at naging tropical depression bandang 2:00, Huwebes ng hapon (Hunyo 30).
Dahil dito, tatawagan na itong Bagyong Domeng.
Matatandaang nakalabas na ang Bagyong Caloy sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Miyerkules ng gabi.
Gayunman, napapalakas nito ang monsoon trough at Southwest Monsoon na nagdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES