WATCH: Dating Pangulong Duterte, hinimok ang taong-bayan na suportahan si Pres. Marcos

Screengrab from PCOO’s FB live stream

Agad na nagtungo sa Greenbelt, Makati si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos mailipat ang kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakasuot pa ng barong ang dating Punong Ehekutibo nang mamataan sa Greenbelt.

Matatandaang paboritong pasyalan ni Duterte ang Greenbelt tuwing bumibili ng relo.

Kasabay nito, hinimok ng dating pangulo ang taong bayan na suportahan si Marcos.

“Let us give all our support to the new administratiuon. Tulungan natin sila. Tulungan natin sila,” pahayag ni dating Pangulong Duterte.

Ipinagmalaki pa nito na magagaling ang kanyang mga napiling miyembro ng Gabinete.

“Well, I think, sa, I am a student of government. Alam mo matagal ako sa gobyerno. I think I assembled one of the best Cabinet… Totoo. Piling pili ko,” aniya pa.

Narito ang pahayag ni Duterte:

Read more...