President Ferdinand Marcos Jr., nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

Screengrab from PCOO’s FB live stream

Opisyal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo nanumpa si Marcos sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes ng tanghali (Hunyo 30).

Hindi naiwasan ni Marcos na maging emosyonal 36 taon mula nang mapatalsik sa Malakanyang ang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Maging ang maybahay ni Marcos na si First Lady Liza Marcos ay naiyak rin habang nanunumpa ang asawa.

Agad namang inabutan ni Marcos si Liza ng panyo.

Naging kwela naman si Liza at natawa na lamang nang magkantyawan ang mga nanonood.

Si Marcos ang ikaapat na pangulong manunumpa sa National Museum. Sa National Museum din isinagawa ang inagurasyon nina Manuel Luis Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel A. Roxas (1946).

Read more...