Outgoing President Duterte, hindi makakadalo sa inagurasyon ni Marcos

Screengrab from PCOO’s FB live stream

Hindi na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum sa Manila.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, uuwi na sa Davao City ang Pangulo sa pamamagitan ng commercial flight.

Ayaw kasi ni Duterte na matabunan si Marcos.

Matapos tanggapin sa Palasyo si Marcos at mabigyan ng departure honors, agad nang umalis si Pangulong Duterte.

Sa ngayon, papunta na sa National Museum si Marcos para sa inagurasyon.

Read more...