Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Caloy.
Base sa severe weather bulletin ng PAGASA, lumabas ang bagyo sa teritoryo ng bansa dakong 11:00, Miyerkules ng gabi (Hunyo 29).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 575 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales bandang 4:00, Huwebes ng madaling-araw.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Mabagal pa rin ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Kanluran.
Sa susunod na 24 oras, mapapalakas pa rin ng bagyo ang monsoon trough at Southwest Monsoon na magdadala ng pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES