Palasyo sa Rappler: Maghanap ng legal na paraan para malusutan ang pagpapasara ng SEC

Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang Rappler na maghanap ng legal na paraan para malusutan ang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, may mga umiiral na batas sa bansa na maaring ipangbala ng Rappler.

“Rappler may avail of remedies accorded to it by law,” pahayag ni Andanar.

Pero sa ngayon, mas makabubuting hayaan aniya ang SEC na gawin ang trabaho nito.

“Let the law take its course, and allow the Securities and Exchange Commission perform its mandate,” pahayag ni Andanar.

Ipinasara ng SEC ang Rappler isang araw bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang noong Enero 2018, ni-revoke ng SEC ang registration ng Rappler dahil sa paglabag sa foreign ownership rules.

Read more...