May napili nang designer si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa barong na susuotin sa inagurasyon sa National Museum sa Maynila sa Huwebes, Hunyo 30.
Ito ay ang multi-awarded na designer na si Pepito Albert.
Isusuot ni Marcos sa umaga ang modern barong na hango sa rayadillo, isang traditional military uniform noong Spanish era.
Sa gabi naman, isusuot ni Marcos ang fully-embroidered barong mula sa Taal.
Si Albert din ang nagdisenyo sa terno na isusuot ni incoming First Lady Liza Marcos.
Gawa ang terno sa vintage piña fabric.
Si Albert din ang nagdisenyo ng mga barong na isusuot ng tatlong anak ni Marcos na sina incoming Congressman Sandro, Simon at Vincent pati ang isusuot ni dating First Lady Imelda Marcos at sa kapatid na si Irene Marcos-Araneta.
Kukuha naman ng ibang designer ang kapatid ni Marcos na si Senador Imee Marcos.
Ibibida rin ni incoming First Lady Liza ang mga sapatos na gawa ng mga Filipino.