Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00, Miyerkules ng hapon (Hunyo 29), huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales dakong 4:00 ng hapon.
May taglay na lakas ng hanging 45 kilometers per hour ang bagyo malapit sa gitna, at pagbugsong 55 kilometers per hour.
Sa ngayon, walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang parte ng bansa.
Sa susunod na 24 oras, inaasahang mapapalakas ng bagyo ang monsoon trough at Southwest Monsoon kung kaya’t makararanas ng pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Base sa forecast ng weather bureau, magpapatuloy ang mabagal na pagkilos ng bagyo pa-Hilagang Kanluran hanggang Huwebes ng hapon, Hunyo 30.
Maari ring lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 24 oras.