P374.5-B remittance ng GOCCs sa National Treasury

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Sa anim na taon ng administrasyong-Duterte, umabot sa P374.54 bilyon ng cash dividends ang nai-remit sa National Treasury ng government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Ang pag-remit ng GOCCs ay alinsunod sa RA 7656 o ang Dividends Law.

Ang halaga ay nagpakita ng 127 porsiyentong pagtaas o higit na P209.73 bilyon sa P164.81 bilyon na nakolekta sa administrasyong-Noynoy Aquino.

Sa administasyong-Arroyo, ang koleksyon ay umabot sa P60.82 bilyon.

Noong 2020, naitala ng kasalukuyang administrasyon ang pinakamataas na halaga na P135.13 bilyon dahil na rin sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.

Simula noong Enero hanggang sa pangalawang linggo ng kasalukuyang buwan, nasa P58.25 bilyon na ang kabuuang koleksyon ng GOCCs.

Read more...