52 preso patay sa jail riot sa Colombia

May 52 preso ang namatay at 26 iba pang katao ang nasaktan sa pagsiklab ng sunog kasabay ng riot sa kulungan sa City of Tulua sa Colombia.

Sinabi ni Tito Castellanos, director ng National Penitentiary and Prison Institute, nagsimula ang sunog alas-2 ng madaling araw habang nagkakagulo ang mga preso.

Ang bilang ng mga nasawi at nasugatan ay isinapubliko naman ni Cristina Lesmes, ang namumuno sa Health Department sa Valle del Cauca.

Ayon kay Lesmes may mga kritikal ang kondisyon dahil sa mga tinamong matinding pagkakasunog sa kanilang katawan.

Kinukumpirma pa ang unang iniulat ni Lesmes na kabilang sa mga nasugatan ay anim na prison guards.

Lumaki at lumawak ang sunog dahil sa mga ibinatong mga higaan ng mga preso.

Nabatid na may 1,200 ang nakakulong sa naturang pasilidad.

Agad naman nagtipon-tipon sa labas ng kulungan ang kaanak ng mga preso.

Read more...