Walang Filipino nadamay sa Jordan gas leak – Ph Embassy

Iniulat ng Philippine Embassy sa Jordan na walang Filipino na napabilang sa mga biktima ng nangyaring chlorine gas leak sa Aqaba Port.

Napa-ulat na 12 katao ang nasawi at 251 iba pa ang nasaktan sa insidente.

‘To date, there are no reports of Filipinos included among the casualties,” ang pahayag ng Embahada.

Nabatid na nagsimula ang tagas nang bumagsak ang ibibiyaheng  isang tangke na puno ng 25 tonelada ng chlorine gas.

Dadalhin sana ang tangke sa Djibouti nang maganap ang insidente.

Pinayuhan na rin ang mga Filipino sa Aqaba Port na sumunod sa mga bilin ng mga lokal na opisyal para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Read more...