Nagpahayag ng labis na kasiyahan si Senator Richard Gordon sa pagiging ganap na batas ng Expanded Solo Parent Act.
Sinabi ni Gordon na 15 milyong solo parents sa bansa ang makakatanggap ng mga karagdagang benepisyo.
“We are thankful that a timely law like this has been passed as it shows the liberality and humanity that our society has become over the years,” ayon sa pangunahing awtor ng RA 11861.
Pinagtibay aniya nito ang dalawang dekada ng RA 8972.
Sa bagong batas, may 10% discount at value added tax exemption na ang mga solo parents sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan sa unang anim na taon na kanilang anak.
Bukod pa ang karagdagang P1,000 ayuda sa mga mahihirap na solo parent at social protection packages tulad ng livelihood assistance, counselling at legal services.