Sinabi ni dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan na sa naging desisyon ng Korte Suprema sa disqualification cases ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos JR., pinagtibay ang kanilang naging desisyon.
“I personally view the Supreme Court’s concurrence to our legal reasoning as another feather in the Comelec’s proverbial cap for the 2022 National and Local elections,” sabi nito.
Inalala pa niya ang en banc meetings ng komisyon kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga pilosopiya.
Dagdag pa nito, sa ngayon wala ng mga legal na balakid pa para manilbihan si Marcos Jr., sa Malakanyang ng anim na taon.
Kasabay nito ang pagpapaabot niya ng malugod na pagbati kay Marcos Jr.
MOST READ
LATEST STORIES