Pagpapasara sa Rappler pinagtibay ng SEC

Pinanindigan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang desisyon na ipasara ang Rappler, isang online news organization.

Ibinahagi ito ni Rappler CEO Maria Ressa sa kanyang talumpati sa East-West Center International media conference sa Hawaii.

“In an order dated June 28, our Securities and Exchange Commission affirmed its earlier decision to revoke the certificates of incorporation of Rappler Inc. and Rappler Holding Corporation,” ayon sa pahayag ng Rappler.

Dagdag pa ni Ressa; “We were notified by our lawyers of this ruling that effectively confirmed the shutdown of Rappler.”

Sa desisyon ng SEC, iginiit na nilabag ng Rappler ang probisyon sa Saligang Batas ukol sa limitasyon ng banyaga sa pag-aari ng anumang negosyo sa Pilipinas.

Read more...