Sa Laging Handa public briefing, iniulat ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng 434 na kaso ng nakahahawang sakit sa Metro Manila sa araw ng Lunes, Hunyo 27.
Bunsod ito, nasa 52 porsyento ang one-week growth rate ng COVID-19 sa NCR, habang 342 ang 7-day average.
Nauna na ring ibinahagi ni David na umakyat sa 5.9 porsyento ang positivity rate sa NCR noong Hunyo 25. Mas mataas ito kumpara sa 3.9 porsyento noong Hunyo 18.
Sa kabila nito, tiniyak ni David na walang kailangang ikabahala ang publiko sa nasabing mga datos.
Maikokonsidera pa rin aniya itong mababa kumpara sa mga naranassng COVID-19 surge.
Gayunman, binigyang-diin ni David ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocols at pagtanggap ng bakuna kontra sa COVID-19.