Sa kanyang social media post, inanunsiyo ni Enrile ang pagkaka-ospital at ang kanyang mensahe sa kanyang mga kritiko.
“To my critics and enemies. Do not clap with glee. I am not going to die yet. Far from it. God gave me very good doctors,” sabi ng 98-anyos na dating Senate President.
Ibinahagi din nito na maayos ang kanyang pakiramdam maliban sa pag-ubo at base sa resulta ng kanyang CT scan, siya ay may mild COVID-19.
Sinabi din ni Enrile na ipinaalam na niya kay incoming Executive Sec. Victor Rodriguez ang kanyang karamdaman kayat hindi aniya siya makakadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Huwebes.
Aniya, pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na tapusin ang kanyang anti-viral regimen.
Dahil sa naturang sakit, hindi makakadalo si Enrile sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hunyo 30.