Tutol si incoming Senator Raffy Tulfo sa madugong pamamaraan ng pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa.
Sinabi nito na pabor naman siya sa kampaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga ngunit ang tanging hindi niya nagugustuhan ay ang pagdanak ng dugo.
Binanggit niya na sa simula nang pagkasa ng Oplan Tokhang, mabuti na maraming drug users ang sumuko.
Ngunit, hindi nagiging maganda ang wakas dahil marami sa mga sumuko ay napapaulat na lamang na napatay sa paglaban sa awtoridad.
Sa pagpasok ng bagong administrasyon, dapat ay matutukan ang rehabilitasyon ng mga sumusuko.
Diin ni Tulfo, kapag sumuko ay dapat nang dalhin agad sa rehabilitation center para maiiwas na sa droga.
Narito ang pahayag ni Tulfo:
WATCH: Sen. Raffy Tulfo, ayaw sa madugong kampaniya kontra droga | @escosio_jan
Contributed video pic.twitter.com/eXXVuaXCfC
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 27, 2022