Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 27, 2022, base ito sa naitalang datos simula Hunyo 20 hanggang 26, 2022.
Mas mataas ito ng 53 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hunyo 13 hanggang 19.
Nasa 662 naman ang daily average cases.
Samantala, may 14 na bagong severe and critical cases habang 51 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 18.1 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,034 sa 22,251 non-ICU beds ang gamit.
14.9 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 391 sa 2,628 ICU beds ang gamit.
Nasa 591 naman ang severe and critical admissions, o 10.7 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.
Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na huwag magpakampante sa nakahahawang sakit at patuloy na sundin ang health protocols.