Umaapela ang Asian Peoples’ Movement on Debt and Development sa G7 Summit na kanselahin na ang debt-creating solutions bilang tugon sa global crises.
Nagsagawa ng kilos-protesta ang APMDD sa harap ng German Embassy sa Makati kung saan ang naturang bansa ang host sa G7 Summit sa taong 2022.
Pinunit ng grupo ang isang foreign debt bill na sumisimbolo sa US$1 trillion na utang ng Asya at $109.8 billion na utang o external debt ng Pilipinas.
Bukod sa Pilipinas, nagsagawa rin ng sabay na kilos-protesta ang grupo sa Indonesia, India, Bangladesh, Pakistan at Nepal.
“Our governments spend more on debt service payments than on peoples’ needs and still continue with their borrowing spree as G7 nations push more debt-funded and debt-creating solutions,” pahayag ni APMDD Coordinator Lidy Nacpil.
“In truth, rich countries owe us a huge climate debt that is far beyond the pledged $100 billion in climate finance, which remains unfulfilled to this day. Climate change will cost South countries up to $6 trillion by 2030 if rich countries fail to pay their climate debt,” dagdag ni Nacpil.