Sunog, sumiklab sa La Breza Hotel sa QC

Sumiklab ang sunog sa isang hotel sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Base sa Twitter post ng TXTFire Philippines, apektado ng sunog ang La Breza Hotel sa bahagi ng Mother Ignacia sa Barangay South Triangle.

Itinaas ang sunog sa unang alarma bandang 2:24 ng hapon.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, mabilis na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog dakong 2:36 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pang inaapula ang sunog sa nasabing lugar.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update ukol sa insidente.

Read more...