Villaba, Leyte niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Villaba, Leyte Lunes ng umaga.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers Southwest ng naturang bayan dakong 9:39 ng umaga.

Pitong kilometro ang lalim nito ang tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng mga sumusunod na intensities matapos ang pagyanig:
Intensity 4- Villaba at Tabango, Leyte
Intensity 3- San Isidro, Calubian, Matag-ob, Kananga, at Leyte, Leyte
Intensity 2- Capoocan, Ormoc City, at Palompon, Leyte; Naval at Biliran, Biliran

Instrumental Intensities:
Intensity 4 – Calubian, Leyte
Intensity 3 – Kananga at Ormoc City, Leyte; Naval, Biliran
Intensity 1- Carigara, Leyte

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.

Read more...