Operasyon ng Pasig River Ferry Service, magiging limitado sa Hunyo 30

Photo credit: MMDA Pasig River Ferry Service/Facebook

Magiging limitado ang operasyon ng Pasig River Ferry Service sa Hunyo 30.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bahagi ito ng ikakasang seguridad para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Magiging bukas ang operasyon nito mula sa Pinagbuhatan Station hanggang Sta. Ana Station lamang sa nasabing petsa.

Sa araw din mismo ng inagurasyon, magpapatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng “no sail zone” sa ilang bahagi ng Ilog Pasig.

Kabila dito ang Pier 13 Muelle De San Francisco, Port Area Manila, Mabini Bridge, Ayala Bridge, at Malacañang.

Read more...