Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas na naman

Radyo Inquirer On-Line photo

Bad news na naman sa mga motorista.

Panibagong taas-presyo na naman ang ipatutupad sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Seaoil, at Shell, may dagdag na P1.65 sa kada litro ng diesel habang P0.50 naman ang itataas sa bawat litro ng gasolina.

May patong ding P0.10 sa kada litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Hunyo 28).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

Read more...