4 patay, 1 nawawala sa lumubog na bangka sa Bataan

PCG photo

Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang maritime incident kung saan sangkot ang F/bca “Gra Twin Sister” na may sakay na 50 crew members sa karagatang-sakop ng Bagac, Bataan noong Hunyo 23.

Nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) operations ang grupo ng ahensya. Dumating din ang BRP Malabrigo (MRRV-4402) upang makapaghatid ng tulong sa lumubog na bangka, habang CGH-154 naman ang gumawa ng aerial search.

Nakipag-ugnayan ang PCG Sub-Station Morong sa BRP Malabrigo (MRRV-4402) at humiling ng tulong upang ma-recover ang lumubog na bangka.

Base sa progress report hanggang Hunyo 26, iniulat ng PCG na narekober ang mga labi ng apat na crew member habang isa ang nananatiling nawawala.

Nasa 45 indibiduwal naman ang nasagip ng ahensya.

Inabisuhan naman ng SAR team ang mga mangingisda na agad i-report sa pinakamalapit na PCG unit sakaling makita nila ang nawawalang crew member.

Read more...