PCG, nagsagawa ng maritime patrol ops sa Manila Bay

PCG photo

Nagkasa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng maritime patrol operations sa Manila Bay sa araw ng Lunes, Hunyo 27.

Ayon sa ahensya, bahagi ito ng mahigpit na paghahanda sa paligid ng National Museum sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sinabi ng PCG na layon nitong masiguro na magiging maayos ang malawakang pagpapatrolya para maitaguyod ang kaayusan, seguridad, at kaligtasan sa inagurasyon.

Gaganapin ang inagurasyon sa araw ng Huwebes, Hunyo 30.

PCG photo
Read more...