Misinformation campaign sa nicotine tinuligsa ng mga eksperto

Binatikos ng public health experts ang malawakang misinformation campaign na isinasagawa ukol sa nicotine.

Paniniwala ng mga eksperto ang nicotine, na itinuturing na food-grade substance, ay makakatulong pa sa pagharap sa pandaigdigang problema sa paninigarilyo sa pamamagitan ng teknolohiya at inobasyon.

Diin ni Prof. Peter Hajek, director ng Tobacco Dependence Research Unit sa Wolfson Institute of Public Health sa Mary University of Londo, ang ‘misinformations’ ay nagsisilbi pang lason sa kaisipan dahil walang siyentipikong basehan ang marami sa sa mga ipinakakalat na detalye.

Paniwala ni Hajek ang mga sakit, tulad ng kanser, sakit sa baga at puso, na idinidikit sa paninigarilyo ay mawawala sa pamamagitan ng smoke-free products tulad ng e-cigarettes, vapes at heated tobacco products.

Idinagdag naman ni Prof. Gerry Stimson, isang British social scientist at tobacco harm advocate, hindi nakakapagdulot ang nicotine ng tobacco-related diseases.

Diin naman ni Prof. David Sweanor, namumuno sa advisory board ng Centre for Health Law, Policy & Ethics sa University of Ottawa, ang usok at hindi ang nicotine ang pumapatay sa mga naninigarilyo.

Sa totoo lang aniya ang nicotine ay kabilang sa mga pangunahing sangkap ng NRT na inirereseta ng mga doktor sa mga pasyente na nais nang talikuran ang paninigarilyo.

Si French cancer expert, Dr. David Khayat, sinabi din na hindi nagdudulot ng cancer ang nicotine at aniya; “smokers commonly misperceive that nicotine is a major carcinogen.

Ang posisyon na ito ni Khayat ay sinegundahan din ng Cancer Research UK.

Read more...