Mandatory ROTC training bill ihahain uli ni Sen. Bato dela Rosa

Inanunsiyo ni Senator Ronald dela Rosa na muli niyang ihahain ang panukala para sa pagbabalik ng mandatory Reserce Officer’s Training Corps (ROTC) training.

“That’s number two in my list of the top 10 priority bills na isa-submit ko on our first session day sa 19th Congress,” sabi ni dela Rosa.

Sa naturang panukala, ang ROTC programs ay isasama sa pag-aaral sa senior high school Grades 11 at 12, sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Iaalok din ang advanced ROTC sa unang dalawang taon sa kolehiyo para naman sa mga nais maging opisyal sa programa.

Paliwanag ni dela Rosa layon ng kanyang panukala na mapaigting ang pagmamahal sa bansa ng mga kabataan, gayundin ang kanilang Filipino pride.

Nabanggit din nito ang banta sa pakikipag-agawan ng Pilipinas sa China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

“Being a very small nation compared to the others, we need a ready reserve to support our regular armed forces in times of crisis,” aniya.

Si incoming Vice President at Education Sec. Sara Duterte ay pabor sa pagbabalik ng ROTC program.

Ilang grupo naman ng mga kabataan at estudyante ang hindi pabor sa panukala ni dela Rosa.

Read more...