Mga nambugbog ng dalawang MMDA enforcers pinasusuko

EDISON NEBRIJA FACEBOOK

Umapila ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA sa mga nambugbog sa dalawang enforcers na sumuko na at panagutan ang kanilang ginawa.

“Kung ako sa inyo sumuko na kayo. Huwag nyo ng palalain pa kaso nyo at situwasyon nyo. Yun lang,” ang post ni Edison Nebrija sa kanyang Facebook account.

Si Nebrija ang namumuno sa MMDA – Task Force Special Operations at Anti-Colorum Unit.

Sa viral video, mapapanood na kinuyog ng husto ang dalawang MMDA enforcers ng isang grupo ng mga lalaki kahapon ng hapon.

Nabatid na kabilang ang dalawang biktima sa nagsasagawa ng operasyon laban sa mga e-bike na bumibiyahe sa EDSA.

Nagsimula ang tensyon nang masita ang isang residente ukol sa nakaparada niyang e-bike at nang maisakay na sa truck ang e-bike ay nagkagulo na.

Agad na isinugod sa ospital ang nabugbog na husto na dalawang enforcers.

Nabatid na nakilala na ang ilan sa mga nambugbog.

Read more...