Pangulong Duterte nagtalaga ng OIC sa DENR

Isa pang opisyal ang maninilbihan lamang ng isang linggo sa ilalim ng patapos nang administrasyong-Duterte.

Itinalaga ni Pangulong Duterte bilang officer-in-charge ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Joselin Marcus Fragada.

Kinumpirma ni acting presidential spokesman Martin Andanar ang pagtatalaga kay Fragada.

Pinalitan nito si acting Sec. Jim Sampulna na hindi nakalusot sa Commission on Appointments kayat kinailangan na bumaba ng puwesto.

Unang naitalaga naman bilang OIC ng Department of Agrarian Reform (DAR) si Usec. David Erro, na maninilbihan ng pitong araw.

Read more...