Vapes, e-cigs mabuting alternatibo sa sigarilyo – heart expert

Mas grabe pa sa COVID 19 pandemic ang epekto ng paninigarilyo sa tao.

Ito ang sinabi ni Dr. Rafael R. Castillo, isang kilalang heart specialist, at aniya malaking kabawasan sa exposure sa masasamang epekto ng sigarilyo ang paggamit ng smoke-free alternatives tulad ng vapes at heated tobacco products (HTPs).

Ibinahagi din ni Castillo sa taunang convention ng Philippine Heart Association (PHA) ang paniniwala na ang smoke-free alternatives ay malaking tulong para tuluyan nang matalikuran ang bisyo ng paninigarilyo.

“While the use of alternative tobacco products does not completely eliminate the harm, they can significantly reduce or mitigate the health risks,” sabi pa ni Castillo, na dating presidente ng PHA at Asia Pacific Society of Hypertension.

Diin pa nito, kailangan na kailangan  na alternatibo ng mga nais ng matigil sa bisyo na makakatulong din sa pagbabago sa kanilang kalusugan.

Aniya marami nang istratehiya at paraan para matigil na sa bisyo ng paninigarilyo ngunit karamihan ay wala din positibong naibunga.

“Smoking addiction is not something that they cannot simply overcome. We have tried all sorts of smoking interventions, patches, nicotine gums, etc., but we are not getting anywhere. We are not really progressing as much as we would like to,” dagdag pa ni Castillo.

Read more...